Thursday, January 5, 2006

naba-bad trip na talaga ako dun sa COMP102 namin.. [pasaway!!!] ang haba nung assignment tapos ang hirap pa hanapin.. hmmmf. =/ kung sana computerized, okei llang eh kaya lang dapat handwritten..

anywei, tinext ako ni JOVAN kanina.. nahihiya ako sa kanya xe dumadagdag pa ako sa mga problems nya.. right now, his mom is in the hospital because of asthma attack.. haaay,, naaawa nga ako xe last JANUARY 3 pa daw yun eh.. masakit na nga daw ulo nya eh.. tapos na-bad trip pa xe nawala ung sim card nya ng sun.. hehe.. [dun pa na-bad trip!!!] dagdag problema pa ako dun eh.. pero sana gumaling na ung mom nya..

in fairness, ala akong ma-post ngaun ha..
so.. post ko na lang un story na nabasa ko from a site.. [www.filipinoes.net]
di xa ganun kaganda pero makaka-relate ung iba lalo na kung may gusto kau sa best friend nyo.. hehe..
----------------------------------------
There was a girl named Aya. Very simple lang si Aya. Katulad lang siya nang other girls diyan. Hindi siya maganda, hindi rin siya matalino, pero kahit papano naman, magaling siya sa klase.

Then, there was a boy named Rold. Super gwapo. One of the campus heartthrobs. Bukod sa matalino gentleman at mabait siya. Kaso nga lang may taglay na kakulitan at pasaway. Pero kahit na, ayun ang isa sa mga dahilan kung bakit maramin nagkakagusto sa kanya.

Here’s the story begins. Bago lang si Aya sa school niya. Hindi siya masyadong sanay. No choice kasi siya kundi lumipat nang bagong school kasi hanggang grade 6 lang ang dati niyang school.

Aya: (habang nag lalakad sa corridor papunta sa classroom niya) Grabe kinakabahan ako. Mababait kaya ang mga new classmates ko? Friendly kaya sila o bully? Yung mga teachers kaya istrikta, mabait, mala ibong adarna yung boses, comedy o nangangain nang bata?. Grabe ah kinakabahan talaga ko.

Then the moment has come. Papasok na si Aya sa classroom.

Student 1: Ang dami namang transferees. Tingnan mo yung isang girl na kapapasok palang halatang ninenerbyos.

Student 2: Oo nga eh. Halatang halatang hindi sanay maging transferee.

Aya: Naku! First day palang buko na ko agad. Halata nga namang kabado ako. Pero ano nga namang magagawa ko sa kinakabahan talaga ako.
Candy: ah excuse me miss I’m Candy. Luma na ko dito sa school na to. Di ba transferee ka? Anong name mo?

Aya: Ah I’m Aya. Yes, transferee nga ako dito

Candy: Halata ko kabado ka. Don’t worry, mababait yang mga yan

Aya: Thank you ah at list nawala nang kaunti yung kaba ko. Anyway ano nga bang section tayo?

Candy: Nasa section one ka. Tatlo lang kasi ang section dito sa bawat grade and year level. Kukunin yung mga top 20 tapos ilalagay sa first section tapos yung ibang hindi nakasama bubunutin na lang. Siguro na bunot ka dito sa first section.

Aya: So ibig sabihin ang daming matatalino dito?

Candy: Yup! Pero wala paring makakatalo kay Rold.

Aya: sino si Rold?

Ms. Morales: Ok class mamaya na muna ang daldalan magpapakilala muna tayo sa isa’t isa.

Candy: Ah mamaya na muna tayo mag kwentuhan makinig na tayo kay ma’am.

Then after mag pakilala nang mga transferee, nagkaroon nang seatting arrangement.

Ms. Morales: Rold you sit beside Aya

Rold: Yes ma’am

Rold: Hi Miss Aya. I’m Rold. I think magiging mag seatmate tayo this whole year.

Aya: Ah, oo nga Oh my gosh ang pogi naman nang katabi ko. Ano nga bang pangalan niya? Rold?..Wow parang ang lakas nang dating ah! Teka lang parang siya yung Rold na sinasabi sakin ni Candy kanina ah di bale papakwento na lang ako mamayang break kay Candy tungkol kay Rold.

Recess...

Candy: Hi Aya, sabay na tayo

Aya: Sige. Oo nga pala sino nga ba yung Rold na sinasabi mo sakin kanina? Siya ba yung katabi ko?

Candy: Oo siya nga. Bat mo tinatanong? Nagwapuhan ka noh?

Aya: Ah hindi naman masyado. Muka ngang masungit eh!

Candy: Anong masungit? Hindi ah, mabait yan. Gentleman pa. At isa pa napakatalino niya. Actually siya nga yung pinaka matalino sa buong batch na to biruin mo siya yung palaging top 1 namin since grade one. At hindi lang yun heartthrob din yan dito sa campus. Kaso nga lang wala pa siyang girlfriend.

Aya: parang napaka perfect naman ata niya Oo nga napaka perfect. Malayo sakin. Naman bakit sa napakagaling, napakabait at napakagwapo pako nag kagusto dami ko tuloy ngayon karibal. Kakapikon ah. Pero may chance parin ako. Wala pa naman siyang girlfriend .

(After 2 weeks naging super close si Aya and Rold at naging mag best friend) Aba! May dalang flowers and gift si best friend. Siguro bibigay niya sakin yan.

Aya: Hi Rold. Wow ang ganda naman nung flowers at may gift pa. Para kanino ba yan?

Rold: Ah, para kay special someone, birthday niya kasi ngayon.

Aya: hehe ang ganda naman sigurado magugustuhan niya yan.
i told u, parang bitin kaya lang makaka-relate ka talaga especially if u have special feelings sa best friend mo.. buti na lang, girl ang best friend ko.. hehe.. =D kaya ang lesson, wag ma-fall kay best friend.. hehe.. joke..

No comments: